^

PM Sports

Arellano volleybelles nakalapit sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatumba ng Arellano University ang San Sebastian, 25-18, 25-19, 25-21  para makalapit sa kanilang pagbabalik sa finals sa women’s division ng 90th NCAA volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagbida sina Menchie Tubiera at CJ Rosario mula sa kanilang tig-14 hits upang ibigay sa Lady Chiefs ang kanilang unang panalo sa semis at isa na lamang ang kailangan para makapasok sa best-of-three finals series.

Nagtala sina Tubiera at Rosario ng pinagsamang 23 spikes at naging sandigan din ng depensa ng Arellano para limitahan si Gretchel Soltones at ang San Sebastian attackers.

Puntirya ng Lady Chiefs ang kanilang ikala-wang finals stint matapos matalo sa Perpetual Help Lady Altas noong nakaraang season.

Pinamunuan ni Soltones, isang Shakey’s V-League veteran, ang Lady Stags sa kanyang 15 points.

Umagaw naman ng eksena ang College of St. Benilde matapos gulatin ang three-peat champion Perpetual Help, 26-24, 25-22, 25-18, para sa inaasam na finals berth.

Humataw si Jannine Navarro ng 17 hits para sa nasabing tagumpay ng Lady Blazers laban sa Lady Altas.

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

GRETCHEL SOLTONES

JANNINE NAVARRO

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

LADY CHIEFS

LADY STAGS

MENCHIE TUBIERA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with