^

PM Sports

May misyon ang Perpetual spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tangka ng Perpetual Help na makapasok ang lahat ng kanilang team sa finals ng juniors, men’s at women’s divisions na sisikaping pigilan ng Lyceum, Arellano University at Emilio Aguinaldo College  sa pagsisimula ngayon ng 90th NCAA volleyball semifinals sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Altas ang College of St. Benilde Blazers at sasagupain ng Lady Altas ang Lady Blazers na tangkang makabalik sa finals sa pamamagitan ng top two finish pagkatapos ng semis na ginamitan ng single-round robin format.

Nalagot sa 54-wins ang streak ng Perpetual men’s spikers, champions huling apat na seasons, matapos ang five-set pagkatalo sa EAC na pina-ngunahan ni Howard Mojica  ngunit nagtapos sila bilang No. 2 sa 8-1 (win-loss) record sa likod ng 9-0 card ng Generals.

Nagtapos na kasama sa three-way-tie para sa No. 2 ang Lady Altas, kasama ang Lady Blazers at San Sebastian Lady Stags bunga ng magkakaparehas na 7-2 record ngunit nakuha nila ang No. 3  matapos ang tiebreaks.

Pasok din sa semis ang Perpetual juniors team, bunga ng kanilang  5-2.

ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE BLAZERS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with