Pahinga muna si Hood

MANILA, Philippines – Inaasahang mawawala si Utah Jazz guard Rodney Hood ng ilang laro dahil sa pamamaga ng kanyang kaliwang sakong, ayon sa isang source Yahoo Sports.

Matapos ang season-ending shoulder surgery ni Alec Burks sa kaagahan ng linggong ito, nakapasok si Hood starting lineup ng Jazz. Inaasahang ma­tetengga siya ng isang linggo, ayon sa source.

Hindi lumaro si Hood para sa Utah Jazz nitong Biyernes kontra sa Atlanta Hawks.

Ang pagkawala ni Hood ay inaasahang mabibigay daan kay Jazz rookie Dante Exum, ang fifth overall pick sa 2014 NBA draft.

Show comments