OKLAHOMA CITY -- Sa kanyang pagbabalik mula sa isang six-game absence ay kumamada si Kevin Durant ng season-high 44 points.
Sapat na ito para matulungan niya ang Oklahoma City Thunder sa 137-134 overtime win laban sa Phoenix Suns.
Nanggaling sa isang sprained right ankle injury, tumipa si Durant ng 13-of-23 fieldgoal shooting, kasama rito ang 6-of-11 clip sa 3-pointers at perpektong 12-of-12 sa free throw line.
Nagtala rin siya ng 10 rebounds at 7 assists para banderahan ang Thunder.
Nagsalpak si Anthony Murrow ng isang four-point play kasunod ang mintis na three-point shot ni Markieff Morris sa 2.9 segundo.
Nakuha naman ni Russell Westbrook ang kanyang dalawang technical fouls sa dulo ng first half.
Nagkabuhol sina Westbrook at Suns center Alex Len para sa isang rebound na nagresulta sa flagrant foul kay Len at technical kay Westbrook.
Matapos kumonekta si Westbrook ng dalawang free throws, nabigyan naman sina Durant at Morris ng technicals.
Umiskor si Westbrook ng isang layup kasama ang foul kasunod ang kanyang ikalawang technical sa natitirang 7.8 segundo bago ang halftime.
Tumapos siya na may 20 points.
Pinamunuan ni Eric Bledsoe ang Suns sa kanyang 29 points kasunod ang 25 ni Morris at 21 ni Goran Dragic 21.
Sa Cleveland, umiskor si Brandon Knight ng 26 points para igiya ang Milwaukee Bucks sa 96-80 panalo sa Cavaliers kung saan hindi na naman naglaro si LeBron James.