MANILA, Philippines – Sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter at Jayson Castro ang ilan sa PBA stars na puwedeng ikonsidera sa pagbuo ni coach Tab Baldwin ng bagong Gilas Pilipinas pool para sa 2015 FIBA Asia Championship na gaganapin sa Wuhan, China.
Makikipagpulong si Baldwin sa SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) nominating and selection committee para makabuo ng bagong programa para sa national team.
“He’s flying home in January. It’s better if he can lay down something before he leaves,” sabi ni PBA board chairman Patrick Gregorio, miyembro ng SBP special committee na pinangungunahan ni SBP vice chairman Ricky Vargas.
Malamang na buuin muna ang coaching staff ni Baldwin bago buuin ang training pool.
Inaasahang kukunin din ni Baldwin ang dating ‘support group’ ng kanyang pinalitang si coach Chot Reyes at inaasahang si Jong Uichico pa rin ang chief assistant coach.
Nagsabi na si Baldwin na gusto niyang tulungan siya ng selection committee sa pagpili ng players para sa pool.
“We’re working together. Nobody wants to sacrifice that toge-therness,” ani Baldwin. “This is a very important process. I don’t want to do this alone.”
Sina PBA commissioner Chito Salud, PBA vice chairman Ro-bert Non at SBP executive director Sonny Barrios ang iba pang mi-yembro ng selection committee.
Kabilang sa planong salihan ng Gilas bilang preparasyon para sa Asian meet ay ang pagbiyahe sa Taipei para sumali uli sa Jones Cup matapos lumiban ng dalawang taon sa torneo.
“ED (executive director) Sonny Barrios has confirmed Gilas’ participation in the Jones Cup, and the organizers have replied, expressing great joy,” sabi ni Gregorio.
Nagkaroon ng problema ang Pinas sa Taiwan matapos ang pamamaril ng dalawang mangingisdang Taiwanese noong 2012 sa pinag-aagawang teritoryo sa Batanes.
Binawi ng Jones Cup organizers ang kanilang imbitasyon sa Gilas Pilipinas noong 2012 at inayawan naman ng Gilas ang imbitas-yon nang sumunod na taon at pinili ang training camp sa Miami para sa FIBA World Cup sa Spain.
“Gilas Pilipinas is joining the Jones Cup this year upon the ins-truction of SBP president Manny V. Pangilinan,” sabi ni Gregorio.
Ang Jones Cup ay nakatakda sa Aug. 29 hanggang Sept. 6 kasunod ang FIBA Asia Championship sa Sept. 23 hanggang Oct. 3.
Sa huling lahok ng Pinas sa Jones Cup, ginulantang ng Gilas Pilipinas ang US team sa huling araw ng single-round-robin competition para makopo ang titulo.