^

PM Sports

Yearender: Umangat ang Pinoy dahil sa Gilas Pilipinas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang taong 2014 ay hindi mawawaglit sa isipan ng mga Filipino basketball fans.

Winakasan ng Gilas Pilipinas ang 36 taon na hindi paglalaro ng bansa sa World basketball championships matapos sumabak sa FIBA World Cup sa Spain.

Nakasali ang Nationals sa nasabing world meet matapos kumuha ng silver medal sa FIBA-Asia Men’s Championship noong August, 2013 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Pilipinas, ang gold medalist na Iran at ang bronze medalist na South Korea ang naging kinatawan ng Asya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Sa Group B ng World Cup ay nakahanay ng mga Pinoy ang Croatia, Greece, Argentina, Puerto Rico at Senegal.

Tumapos ang Gilas Pilipinas, sinandigan si 6-foot-11 NBA player Andre Blatche bilang naturalized player, bilang pang-21 mula sa lumahok na 24 koponan sa buong mundo sa itinalang 1-4 win-loss record kung saan ang tanging tinalo nila ay ang Senegal.

Yumukod ang Gilas Pilipinas sa Croatia sa overtime, 78-81; sa Greece, 70-82; sa Argentina, 81-85; at sa Puerto Rico, 73-77; bago nanaig sa Senegal sa overtime, 81-79, sa kanilang huling laro.

“We showed we belonged, we showed we could compete, and now we showed that we could win,” sabi ni head coach Chot Reyes. “This is really Gilas basketball at its finest.”

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa FIBA World Cup matapos noong 1974.

“On the whole, you could see the whole world waking up to Philippine basketball and I’m happy about it,” sabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan.

Matapos ang matapang na pagpapakita sa FIBA World Cup ay lumaylay naman ang kampanya ng Nationals sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Ito ay matapos na hindi payagan ng Incheon Asian Games Organizing Committee na makapaglaro si Blatche na  inaprubahan ng Malacañang ang natura–lization noong Hunyo.

Iginiit ng organizing committee na dapat sumailalim ang isang naturalized player sa three-year residency na siyang hindi naipasa ni Blatche.

Pinayagan naman ng nasabing komite ang pagla-laro ni 6’11 naturalized center Marcus Douthit para sa Incheon Asiad. Nagtapos ang Nationals na pang-pito sa nailistang 3-4 baraha.

Noong Nobyembre 16 ay opisyal na inihayag ni Reyes ang kanyang pagbibitiw bilang coach ng Gilas Pilipinas para bigyang-daan ang paghahanap ng SBP ng ipapalit sa kanya.

Iniluklok ang 51-anyos na si Reyes bilang kapalit ni Rajko Toroman noong 2012 at agad naihatid ang Nationals sa korona ng Jones Cup kasunod ang pagkuha sa bronze medal noong 2014 FIBA-Asia Cup.

Napili ng Search and Screening Committee ng SBP si Tab Baldwin bilang bagong mentor ng Gilas.

Target salihan ng SBP sa 2015 ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo at 28th FIBA-Asia Championship sa China sa Agosto na magsisilbing regional qualifier ng 2016 Rio de Janeiro Olympics. (RC)

ANDRE BLATCHE

ANG PILIPINAS

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CUP

ASIA MEN

GILAS PILIPINAS

PUERTO RICO

WORLD

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with