^

PM Sports

ASEAN University Games: Team UAAP volleybelles nakopo ang bronze

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling tinalo ng Team UAAP Philippines ang Malaysia, 25-11, 25-11, 25-16 para makopo ang women’s volleyball bronze medal sa 17th ASEAN University Gameskahapon sa Palembang, Indonesia.

Ito ang unang international women’s volleyball medal  ng Pinas sapul noong 2005 Southeast Asian Games makaraang tapusin ng Filipina spikers, kinatawan ng UAAP champion Ateneo,  ang kampanya sa tatlong panalo laban sa dalawang talo.

Muling pinangunahan ni Alyssa Valdez  ang pananalasa ng Team UAAP-Philippines  sa kanyang 16 hits habang si  Ella de Jesus ay nagdagdag ng 14 points.

Nangailangan lamang ang mga Pinay spikers ng 61 minutes  upang dispatsahin ang mga Malaysians na tinalo nila sa apat na  sets sa prelimaries.

Ang Team UAAP-Philippines nay mayroon nang  4-4-5 gold-silver-bronze medals para sa fifth place.

 

ALYSSA VALDEZ

ANG TEAM

ATENEO

ELLA

FILIPINA

NANGAILANGAN

SOUTHEAST ASIAN GAMES

UNIVERSITY GAMESKAHAPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with