Reyes kampeon sa MP Cup

GENERAL SANTOS CITY, Philippines – Hindi balakid kay Efren ‘Bata’ Reyes ang pagiging isang 60-anyos.

Ito ay matapos lusutan ni Reyes si Demosthe­nes Pulpul, 11-10, para pag­harian ang MP (Manny Pacquiao) Cup Philippine Open 10-Ball noong Biyernes ng gabi rito sa SM City.

Ibinulsa ni Reyes ang premyong $13,000 mula kay Congressman Manny Pacquiao, nasibak sa eli­mination round.

“Nagpapasalamat ta­la­ga ako sa suporta ni Congressman Pacquiao sa sports dahil hindi na kami ka­ilangang mangibang-bansa para lumaban ng bil­yar,” sabi ni Reyes.

Ipagdiriwang ang kanyang ika-36 kaarawan sa Disyembre 17, makaka­tambal ng world eight-di­vision champion na si Pac­quiao si world billiards king Ronnie Alcano sa pag­­sargo ng doubles event ngayong araw.

Makakatuwang naman ni Reyes ang kanyang kum­pareng si Francisco ‘Django’ Bustamante sa ka­nilang kampanya sa naturang event.

Show comments