NCAA events kinansela

MANILA, Philippines – Kinansela rin ng NCAA ang volleyball, football at lawn tennis events bunga ng bagyong Ruby.

Ito ay ayon sa pahayag ni NCAA Ma-nagement Committee chair Paul Supan ng host Jose Rizal na nagsabing wala ring NCAA event ngayon.

Kung maganda na ang panahon, itutuloy ang volleyball events sa Huwebes.

Ang pagbabalik ng  football at lawn tennis events na ginagawa sa Rizal Memorial Sports Complex ay ihahayag na lamang depende sa lagay ng panahon.

Show comments