Westbrook nagbida sa Thunder

PHILADELPHIA – Ngayon ay puwede nang labanan ng Oklaho­ma City Thunder ang si­numang itapat sa kanila.

Umiskor si Russell West­brook ng 27 points pa­ra pangunahan ang Thun­der sa 103-91 paggiba sa Philadelphia 76ers.

Ito ang unang panalo ng Oklahoma City (6-13) na nagpakita sa magandang kondisyon nina West­brook at Kevin Durant.

“It’s a good time of the year for us,” sabi ni Westbrook. “I think it’s important that we stick together, take one day at a time and find a way to get wins.”

Tumipa naman si Durant, ang NBA MVP, ng 10 points sa kanyang ikalawang paglalaro matapos magpahinga ng 17 laro bu­nga ng kanyang fractured right foot.

Matapos kumamada ng 27 points mula sa 9-for-18 fieldgoal shoo­ting sa kanyang pagbaba­lik sa court sa 104-112 pa­nalo sa New Orleans Pe­licans noong Martes, mun­tik nang mabigo si Du­rant na makaiskor ng double-figures sa unang pag­kakataon matapos no­ong 2009.

Ang kanyang layup sa huling 2:41 minuto ang nagbigay sa kanya ng 10 points.

Nagdagdag si Serge Iba­ka ng 19 points kasu­nod ang 15 ni Jeremy Lamb para sa Thunder, ti­nalo ang 76ers sa ika-11 sunod na pagkakataon.

Umiskor naman si Ro­bert Covington ng 21 points, habang nagtala si Michael Carter-Williams ng 16 points at 14 assists sa panig ng 76ers.

Sa Washington, umiskor si Kris Humphries ng 20 points, habang may tig-16 sina Rasual Butler at Kevin Seraphin para sa  119-89 panalo ng Wizards laban sa Denver Nuggets.

Anim pang players ng Washington ang tumapos sa double-figures laban sa Denver.

Pinamunuan ni Wilson Chandler ang Nuggets sa kanyang 20 points kasu­nod ang 15 ni Marcin Gor­tat, 14 ni Bradley Beal at 11 ni Paul Pierce.

Show comments