60th anniversary ng AFC ipagdiriwang ngayon
MANILA, Philippines – Magbabalik ang Asian Football Confede-ration (AFC) kung saan sila nagsimula at ito ay sa Manila sa pagdiriwang ng kanilang ika- 60th anniversary kasabay ng pagpaparangal sa mga mahuhusay na personalidad sa rehiyon sa gaganaping Annual Awards Night ngayong gabi sa Makati Shangri-La Hotel.
Pangungunahan ng mga AFC officials sa pamumuno ni president Sheikh Salman Bin Ebrahim Al Khalifa ng Bahrain at general secretary Dato Alex Soosay ang tinatayang 400 delegates na kabibilangan din ni International Football Fe-deration (FIFA) president Joseph Blatter at secretary general Jerome Valcke.
“We are excited to host the AFC 60th Anniversary. For the AFC to return to Manila after 60 years is truly an honor for the Philippines,” sabi ni Philippine Football Fe-deration president No-nong Araneta.
Babalikan ng AFC ang anim na dekadang pag-unlad ng asosasyon sa pagkilala sa mga mahuhusay na players, officials at administrators na tumulong sa confederation.
Sina dating Binibining Pilipinas World Margaret Wilson at Jason Dasey ng ESPN ang host ng gala event kung saan si internationally-renowned singer-actress Lea Salonga ay nakatakdang mag-perform. Ang kila-lang composer na si Ryan Cayabyab ay may nilikha ring awit para sa okasyon.
Kikilalanin din ang mga top footballers kung saan naglalaban sina Ismail Ahmed ng UAE, Nassir Al Shamrani ng Saudi Arabia at Kalfan Ibrahim ng Qatar para sa AFC Player of the Year award habang sina Katrina Lee Gorry ng Australia at Japanese stalwarts Nahomi Kawasumi at Aya Miyami ang mga contenders para sa Women’s Player of the Year plum.
- Latest