Azkals coach optimistiko pa rin

HANOI – Tinitingnan na lamang ni Azkals coach Thomas Dooley ang magandang epekto ng 1-3 pagkatalo ng Phi-lippines sa host Vietnam sa pagtatapos ng group eliminations ng AFF Suzuki Cup 2014  sa My Dinh Stadium.

Ayon kay Dooley, ang nalasap na pagkatalo ng Azkals ay dapat magpainit sa Pinoy booters sa pagsabak sa semifinals sa susunod na linggo.

Matapos ang impresibong panalo sa Indonesia na nagpasok sa Pinas sa Last Four bagama’t may isang laro pa, hindi nakaporma ang Azkals laban sa mahusay na Vietnam para makabawi ang host team sa mga Pinoy at kunin ang pangunguna sa  Group A taglay ang seven points laban sa 6-points lang ng tropa ni Dooley.

Makakaharap ng Azkals ang top finisher sa Group B na posibleng ang Thailand - sa home game sa Dec. 6 sa Rizal Memorial Football Stadium at road match sa Dec. 10 kung saan tangka nilang makapasok sa  finals.

Show comments