Barako kinontrol ang Blackwater
MANILA, Philippines – Mula sa umpisa hanggang sa pagtunog ng final buzzer ay kinontrol ng Barako ang laro para talunin ang Blackwater, 97-82 sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Maski ang iniskor na 14 points ni rookie guard Brian Heruela sa final canto ay hindi nakatulong para makabangon ang Blackwater mula sa 26-point deficit sa Barako Bull sa third period.
Umiskor si guard RR Garcia ng 16 points, kasama dito ang 3-of-4 shooting sa three-point range, para sa ikatlong panalo ng Energy na nagpalakas ng kanilang tsansa sa eight-team quarterfinal round.
Nalagay naman sa balag ng panganib ang kampanya ng Elite sa kanilang pang-siyam na sunod na kamalasan.
Matapos kunin ang 22-9 abante sa first period ay tuluyan nang ibinaon ng Barako Bull ang Blackwater sa 70-44 patungo sa huling 2:24 minuto ng third quarter.
Nagpilit si Heruela, dating kakampi sa University of Cebu ni PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen, na mailapit ang Elite nang kumamada ng 14 sa kanyang 19 points sa fourth quarter.
Kasalukuyan pang naglalaro ang nagdedepensang Purefoods at ang Kia habang isinusulat ito kung saan pinarangalan ng PBA si Sorento playing coach Manny Pacquiao matapos bugbugin si Chris Algieri noong Linggo sa Macau, China.
BARAKO BULL 97 - Garcia 16, Lastimosa 16, Pascual 13, Miranda 9, Intal 9, Pennisi 9, Salva 6, Lanete 6, Marcelo 5, Wilson 4, Salvador 2, Paredes 2, Hubalde 0.
Blackwater 82 - Faundo 23, Heruela 19, Nuyles 12, Gamalinda 8, Laure 6, Menor 4, Timberlake 3, Erram 2, Rod-riguez 2, Ballesteros 2, Celiz 1, Tiongson 0, Artadi 0, Austria 0.
Quarterscores: 22-9; 41-30; 72-48; 97-82.
- Latest