SBP pipili ng coach ng cadet team
MANILA, Philippines – Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios na sisimulan na rin ang paghahanap ng national coach ng Philippine team para sa SEABA Championship at SEA Games sa susunod na taon.
Ang komite ay kabibilangan nina Barrios, Junel Baculi ng UAAP, Paul Supan ng NCAA, Jay Adalem ng NAASCU at Yayoy Alcoseba ng CESAFI na siyang magsasala ng mga kandidato na ipi-presinta para aprubahan ng SBP executive committee na pamumunuan ni SBP president Manny V. Pangilinan.
“We actually had an initial meeting but Yayoy Alcoseba and Jay Adalem failed to make it because of prior commitments,” sabi ni Barrios na nagsabing muli silang magpupulong at gagamitin ang parehong procedure na ginawa sa pag-i-screen ng mga kandidato para sa bagong coach ng Gilas.
Inaasahang kasama sa pagpipilian sina UAAP champion coach Eric Altamirano, national youth mentor Jamike Jarin at NCAA winning coach Boyet Fernandez.
- Latest