Azkals umiskor sa Laos

MANILA, Philippines – Bagama’t naunahan sa 1-0, kumamada naman ang Philippine Azkals ng apat na goals para talunin ang Laos, 4-1, sa pagsisimula ng 2014 AFF Suzuki Cup ka­gabi sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Matapos ang goal ni Khampeng Sayavutth sa 21st minute para sa 1-0 abante ng Laos, tumabla naman ang Azkals sa 1-1 mula sa iskor ni Simone Rota sa 40th minute.

Bago matapos ang first half ay nakapasok ng goal si Phil Younghusband para kunin ang 2-1 bentahe.

Sa second half ay kumamada ng dalawang goal si Patrick Reichelt sa 77th at 88th minute.

Sunod na sasagupain ng Azkals ang Indonesia sa Nob­yembre 25 at ang Vietnam sa Nobyembre 28.

Show comments