^

PM Sports

Hook Shot nagpasikat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naipakita ng kaba­yong Hook Shot ang ga­ling nang pagharian ang 4th  leg ng 2014 Philra­com Juvenile Fillies stakes noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si EP Nahilat ang sakay sa dalawang taong gulang na kabayo na pag-aari ni Joseph Dyhengco at naisantabi ng tambalan ang mahinang pag-alis gamit ang nagbabagang pagtatapos sa isang mil­yang karera.

Halagang P900,000.00  mula sa P1.5 milyon na isinama ng nagtaguyod ng karera na Philippine Ra­cing Commission (Philracom) ang napanalunan ni Dyhengco at lalabas na isa sa magiging paborito kung isasali ang kaba­yong anak ng Hook And Ladder sa Local Rules sa Juvenile Championship sa
Disyembre.

Ang Leona Lolita na ginabayan ni Jeff Zarate ang napaboran sa pitong naglaban pero naubos ito at nalagay lamang sa ikaapat na puwesto.

Sa pagbukas ng aparato ay lumabas agad ang Epic bago sumunod ang Leona Lolita habang nasa ikalima lamang ang Hook Shot.

Pagpasok ng huling 600-metro ng karera ay gumana na ang Hook Shot na
pumangalawa sa 1st leg ng karera at kabalikatan na ang Leona Lolita.

Pero pagsapit sa rekta  ay kinargahan pa ni Nahilat ang kabayo para bumulusok na ito tungo sa halos pitong dipang agwat sa meta.

Si Nahilat ang ikaapat na hinete na sumakay sa Hook Shot sa huling apat na  takbo at nahigitan niya ang pangatlong puwestong pagtatapos na naipagkaloob ni Pat Dilema noong Oktubre 29.

Kasali si Dilema sa karera pero sinakyan  nito ang Imcoming Imcoming.

Ang pumangalawa sa datingan ay ang Princess Meili na hawak ni Jonathan Hernandez bago sumunod na tumawid ang naunang nabugaw na Bungangera sa pagdadala ni Jeff Bacaycay.

Gantimpalang P337,500.00, P187,500.00 at P75,000.00 ang napasa­kamay ng mga may-ari ng mga kabayong kumumpleto sa datingan.

Dehado pa ang Hook Shot para makapaghatid ng P51.50 sa win habang nasa P233.50 ang ibinigay sa 6-5 forecast. (AT)

vuukle comment

ANG LEONA LOLITA

HOOK AND LADDER

HOOK SHOT

IMCOMING IMCOMING

JEFF BACAYCAY

JEFF ZARATE

JONATHAN HERNANDEZ

JOSEPH DYHENGCO

LEONA LOLITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with