IEM Spikers kampeon

MANILA, Philippines – Inilista ng Instituto Estetico Manila Volley Masters ang pangalan bilang unang kampeon sa men’s division ng Shakey’s V-League nang talunin ang Systema Active Smashers, 25-21, 24-26, 25-22, 14-25, 15-12 sa deciding Game Three kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumipa si Jeff Jimenez ng 15 kills tungo sa 16 puntos habang si Ian Dela Calzada ay may 11 kills at 3-blocks para katampukan ang solidong pag-atake at depensa lalo na sa  ikalima at huling set para angkinin ang titulo.

May 10 puntos pa si Rudy Gatdula at siya ang nagbigay ng panalo nang malusutan ng kanyang atake ang depensa ng Systema.

Ang conference MVP na si Jimenez ay siya ring ginawaran ng Finals MVP dahil sa magandang ipinakita sa championship round. (AT)

Show comments