PHUKET, Thailand -- Sumikwat ang Team Phi-lippines ng dalawang gold medals sa ju-jitsu para palakasin ang kampanya ng mga Pinoy sa 4th Asian Beach Games dito.
Kapwa tinapos nina Filipino-Japanese Maybelline Masuda at Annie Ramirez ang kanilang mga karibal para bigyan kaagad ng kasiyahan ang bansa sa biennial continental Games.
Dinomina ni Masuda, dating Brazilian ju-jitsu world champion, si Le Thu Trang ng Vietnam matapos kunin ang ground control sa kabuuan ng kanilang six-minute duel para kunin ang 15-0 panalo sa women’s -50kg.
Sa kabila naman ng pagkakadagan sa 23-anyos na si Ramirez ni Onanong Saengsirichok ay nagawa pa rin ng Pinay na talunin ang Thai sa kanilang 60kg finale.
Ang arm bar ang na-ging sandata ni Ramirez para talunin si Saengsirichok at kunin ang gintong medalya.
“I don’t want her to take advantage of my mistakes and give them a reason to increase her points,’’ sabi ni Ramirez, apprentice ni legendary judoka John Baylon.
Isang nine-time Southeast Asian Games judo champion, nauna nang ibinulsa ni Baylon ang bronze medal sa men’s ju-jitsu -80kg.
Matapos ang dalawang araw ay nasa pang-limang puwesto ang mga Filipino athletes sa hanay ng 45 bansa sa ilalim ng Mongolia (6-0-2), United Arab Emirates (4-2-3), Pakistan (2-3-0) at Thailand (2-2-6) sa nakopo nilang dalawang gold at isang bronze medal.
Kabuuang 77 atleta ang lahok ng Pinas na sasabak sa 16 sports.