Bench players naasahan sa panalo ng Grizzlies

MEMPHIS, Tenn. – Naglista si guard Mike Conley ng 23 points at nakakuha ang Memphis Grizzlies ng solidong suporta mula sa kanilang bench players para talunin ang LA Lakers, 107-102.

Tumipa si backup guard Beno Udrih ng 16 points kasunod ang 15 ni Courtney Lee, habang kumolekta si Zach Randolph ng 11 points at 10 rebounds para sa panalo ng Memphis.

Hinawakan ng Grizzlies ang 17-point lead sa 6:50 minuto ng fourth quarter bago umiskor ng 11 points ang Lakers at nakalapit ng tatlong puntos, 102-105  sa huling 1:33.

Ang putback ni Randolph sa natitirang 5.2 segundo ang sumelyo sa panalo ng Memphis.

Pinamunuan ni Kobe Bryant ang Lakers (1-6) sa kanyang 28 points, ngunit nagtala ng mahinang 10-of-26 fieldgoal shooting para lampasan si Boston Cel-tics great John Havlicek sa pinakamaraming mintis sa isang NBA career.

Hindi naglaro si reserve guard Wayne Ellington para sa Lakers matapos mamatay ang kanyang ama sa Philadelphia noong Linggo ng gabi.

Sa Toronto, umiskor si Kyle Lowry ng 19 points, habang nagdagdag ng 17 si Terrence Ross nang burahin ng Raptors ang 11-point deficit sa fourth period para gibain ang Orlando Magic, 104-100.

Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng Raptors laban sa Magic.

Show comments