^

PM Sports

Criteria sa pagpili ng bagong Gilas coach binuo ng SBP search and screening committee

Pang-masa

MANILA, Philippines – May nailatag nang criteria ang search and screening committee ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para maging basehan ng pagpili ng susunod na coach ng National Team na kabibilangan ng mga PBA players.

Nagpulong kahapon ang komite at ang kanilang nabuong paunang set of criteria ay dadaan muna sa SBP executive committee para sa final approval.

Kabilang sa komite na pinangunahan ni SBP vice chairman Ricky Vargas ay sina  PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non at SBP executive director Sonny Barrios.

Inaasahang magpupulong uli ang komite sa susunod na linggo upang ma-finalize ang criteria para makapagsimula na silang gumawa ng listahan ng mga kandidatong coach na papalit kay Chot Reyes na nag-beg-off nang masama sa listahan ang kanyang pangalan.

Ang list of candidates ay dadaan naman sa SBP exe-cutive committee na pinamumunuan ng  presidente ng asosasyon na si Manny V. Pangilinan.

Mayroon ding komite na gagawa ng criteria para sa pagpili ng mga players na bubuo ng national teams na hindi kabibilangan ng mga professional players.

Magpupulong ang komiteng ito sa Martes kung saan ang NCAA ay kakatawanin ni Paul Efren Supan, Jose Rizal University sports director at NCAA MANCOM chairman kapalit ni Fr. Victor Calvo, O.P., Edmundo  Baculi (kumakatawan sa UAAP), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas-Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).

CHITO SALUD

CHOT REYES

DR. ERNESTO JAY ADALEM

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MANNY V

NATIONAL TEAM

PATO GREGORIO

PAUL EFREN SUPAN

RAUL ALCOSEBA

RICKY VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with