Chess, women’s basketball tatalakayin sa PSA Forum
MANILA, Philippines – Dalawang international chess tournaments at isang women’s basketball league ang pag-uusapan ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Tatalakayin ni Grandmaster Jayson Gonzales, ang executive director ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ang dalawang international tournaments na iho-host ng bansa sa Disyembre.
Nakatakda ang 2014 Philippine International Chess Championship sa Disyembre 5-12 kasunod ang PSC/Puregold International Chess Challenge sa Disyembre 14-21 kung saan mapapanood ang mga pinakamaga-galing na chess players sa mundo.
Magiging bisita rin sa sesyong isinasaere ng live sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ang mga opisyales ng Pinay Ballers League.
Ilalahad nina league president Ewon Arayi, vice president Krisnahlyn Catipo at commissioner Anthony Sulit ang liga na lalahukan ng mga top women’s basketball players.
- Latest