Hapee makakaliskisan kontra sa AMA sa D-League

MANILA, Philippines – Makikita kung gaano kalakas ang Hapee Fresh Fighters, habang solong liderato ang paglalabanan ng Jumbo Plastic Giants at Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakatapat ng Ha­pee ang AMA University Titans sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Hahawakan ni coach Ron­nie Magsanoc, sina im­port Ola Adeogun, Ba­ser Amer at Arthur dela Cruz ng NCAA champion San Beda Red Lions ay sasa­mahan nina Bobby Ray Parks Jr., Garvo La­nete, Chris New­some, Earl Scot­tie Thompson, Ar­nold Van Ops­tal at Kirk Long.

Ang mapagsama-sama bilang isang koponan ang magiging hamon kay Magsanoc para mapanga­tawanan ang pagiging paborito sa liga.

Maghaharap ang Giants at Gems sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon at ang Tanduay Light Rhum Masters at MJM M-Builders-FEU ay mag­sa­sagupa sa alas-4.

Galing ang Giants ni head coach Stevenson Tiu sa 79-74 panalo sa Bread Story-Lyceum sa kanilang huling laro.

Ang dugtungan ang 89-70 panalo sa Racal Mo­tors ang gagawin ng ba­taan ni coach David Za­mar at huhugot si­ya ng puntos kina Paul Za­mar, Allan Mangahas at Al­mond Vosotros.

Show comments