Phl Azkals muling dinomina ang Nepal

MANILA, Philippines – Giniba ng Philippine Azkals ang Nepal, 3-0, sa kanilang friendly match noong Biyernes ng gabi sa Grand Hamad Stadium sa Doha, Qatar.

Ang mga nagbigay ng goals para sa Azkals ay si­na Simon Greatwich, Phil Younghusband at Mark Hart­mann.

Tinalo rin ng Azkals ni head coach Thomas Dooley ang Nepal, 3-0, no­ong Abril 12 sa Doha.

Ito ang kauna-unahang goal ni Greatwich sa kanyang international career na nagsimula noong 2008.

Naglaro rin sa unang pag­kakataon para sa Azkals si Filipino-Spa­nish Al­varo Silva.

Kasalukuyang nasa Do­­ha ang Azkals para sa ka­nilang training camp bilang paghahanda sa 2014 ASEAN Football Federation Suzuki Cup sa Nobyembre 22.

Show comments