^

PM Sports

MP Hotel dinale ang Wangs

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigyan ng MP Hotel Warriors ng matitinding jabs ang Wangs Basketball sa ikalawang yugto para palambutin ito tungo sa 87-70 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nag-init ang kamay ni Jhon Rey Sumido  para pasiklabin ang 28-15 palitan at ang isang puntos na kalamangan sa first period ay naging  42-28 bentahe.

Tumapos si Sumido na  taglay ang 14 puntos at 10 rito ay ginawa sa ikalawang yugto habang si Jessie Collado ay naghatid pa ng 13 puntos.

Ipinakita rin ni 6’5” Rene Pacquiao ang kanyang husay sa kinamadang 11 puntos at 10 rebounds para tulungan ang Warriors na makabangon mula sa 59-86 pagkatalo sa kamay ng Café France Bakers sa pagbubukas ng liga noong Lunes.

Si Rene Pacquiao ay pinsan ng Pambansang Kamao at team owner ng MP Hotel na si Manny Pacquiao at dapat ay kasama sa aakyat sa PBA sa koponan ng Kia pero ipinagpaliban muna.

“Nanibago kami sa officiating.  Very physical ang laro sa D-League kaya ang sabi ko sa kanila ay dapat matuto kaming maglaro ng pisikal,” wika ni MP Hotel coach Alvin Bonleon.

Si Mark Acosta ay may 10 puntos para sa Wangs na tila ininda ang pisikal na laro ng Warriors para malaglag sa 1-1 karta.

Pinakamalaking kalamangan ng Warriors ay sa 22 puntos, 84-62 sa dalawang free throws ni Rashawn McCarthy para maiparamdam ang kakayahang makipagsabayan sa ibang koponan sa liga.

Wala naman naging problema ang Cagayan Valley Rising Suns sa pagsungkit ng unang panalo laban sa MJM M-Builders/FEU sa unang laro, 94-86.

Ang sentro ng Jose Rizal University na si Michael Mabulac ay may double-double na 20 puntos at 13 rebounds para punuan ang di paglalaro ng top pick sa rookie draft na si 6’7” Moala Tautuaa na kumakampanya pa sa ASEAN Basketball League (ABL).

Si Alex Austria ay may 13 puntos habang ang mga datihan sa koponan na sina Don Trollano at Adrian Celada ay naghati sa 24 puntos.

Lamang na ng 15 ang Cagayan, 77-62 sa buslo ni Austria nang pangunahan nina Gelo Alolino at Nico Javelona ang 18-8 palitan upang tapyasan ito sa lima, 85-80.

Pero kumulekta ng limang puntos si Trollano habang si Mabulac ang puwersa  sa ilalim para makumpleto ang magarang panimula ng Rising Suns.

Si Mike Tolomia ay may 15 puntos at 6 assists habang may 13 si Alolino para sa M-Builders na lumasap ng unang pagkatalo sa 12 koponang liga.

 

ADRIAN CELADA

ALVIN BONLEON

BASKETBALL LEAGUE

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

DON TROLLANO

FRANCE BAKERS

PARA

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with