Gasol, Rose nagtulong para sa Bulls

NEW YORK -- Humakot si Pau Gasol ng double-double na 21 points at 11 rebounds sa kanyang debut game sa Chicago, habang umiskor ang nagbabalik na si Derrick Rose ng 13 markers matapos matengga sa nakaraang dalawang seasons para tulungan ang Bulls sa 104-80 panalo laban sa New York Knicks.

Diniskaril ng Bulls ang unang salang ni Derek Fisher bilang head coach ng Knicks.

Tumapos si reserve Taj Gibson ng 22 points para pa-ngunahan ang Chicago na may malakas na frontcourt at hindi na kinailangan ng malaking produksyon ni Rose.

Nagdagdag ang dating NBA MVP ng 5 assists sa loob ng 21 minuto sa laro kung saan iniwanan ng kanyang koponan ang New York ng 35 points.

Hindi nakalaro si Rose noong 2012-2013 season dahi sa left ACL injury noong 2012 playoffs.

Nagbalik siya noong nakaraang season at tumipa ng isang go-ahead shot para talunin ang Knicks sa home opener ng Bulls, ngunit nagkaroon uli ng injury noong Nobyembre.

Nagposte naman si Carmelo Anthony ng 14 points para sa Knicks, hindi na nakabangon sa second half sa kanilang season opener.

Lalabanan ng Knicks ang Cavaliers sa Huwebes para sa unang laro ni Le-Bron James sa kanyang pagbabalik sa Cleveland.

Hindi naasahan ng New York si guard Jose Calderon na may strained right calf injury.

 

Show comments