Barea iba-buyout ng Minnesota

MINNEAPOLIS – Nakipagkasundo ang Minnesota Timberwolves sa buyout kay veteran guard J.J. Barea para maging 15 players na lang ang kanilang roster.

Inihayag ni Coach Flip Saunders ang desisyon nitong Lunes. Si Barea ay may isang taon at $4.5 million na natitira sa kanyang contract pero sa tingin ni Saunders ay hindi ito magkakaroon ng playing time ngayong season dahil inaasahang sina Ricky Rubio at Mo Williams ang magiging top two point guards ng koponan.

Pumirma si Barea ng four-year contract sa Wolves na nagkakahalaga ng $17 million noong 2011 para iwanan ang Dallas.

Nahirapan si Barea sa Minnesota nang gawin siyang point guard matapos maging mahusay na mini-shooting guard sa Dallas.

Show comments