Marinx ipinanalo ni P. Dilema
MANILA, Philippines – Nakuha ng Marinx ang dating tikas sa pagdadala ni Patricio Dilema para masama sa mga nanalo sa pagtatapos ng isang linggong pista na ginawa noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Isang class four division sa 1,000-metro distansya ginawa ang tagisan at three-horse race ang nangyari sa pagbubukas ng aparato dahil nagbakbakan agad ang Marinx, Hermosa Street at King Of Reality.
Pagpasok ng far turn ay nakaagwat na ang Ma-rinx at Hermosa Street na diniskartehan ni Fernando Raquel Jr. sa King Of Reality ni Mark Alvarez.
Nasa balya ang Ma-rinx kaya’t pagpasok ng rekta ay nakauna na ang nasabing kabayo tungo sa halos tatlong dipang panalo sa Hermosa Streek na tumakbo kasama ang coupled entry na Abantero.
Si Dilema ang ikatlong hinete na dumiskarte sa Marinx sa huling tatlong sakay at siya ang pinalad na nakapaghatid ng tagumpay sa kabayo.
Paborito sa pitong nag-laban ang Marinx at nagpasok ang win ng P5.00 habang ang 1-6 forecast ay may P8.50 na ipinamahagi.
Nagpasikat din ang Grey Magic na dehadong nanalo sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).
Ang siyam na taong kabayo na sakay ni GM Mejico ay nagawang palabasin ang lakas sa rematehan para maisantabi ang matikas na pagdating ng Blue Phoenix sa paggabay uli ni JB Guerra.
Ang napaborang Work Of Heart ay hindi nakaporma at tumapos lamang sa ikatlong puwesto.
Pumangpito at pang-lima sa unang dalawang takbo sa buwan ng Oktubre, ang panalo ng Grey Magic ay nagkahalaga ng P57.00 habang P441.50 ang ibinigay sa 4-9 forecast. (AT)
- Latest