^

PM Sports

Cagayan Valley nakalapit sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang inaasahang magiging mahigpit na labanan ay naging parang practice lamang sa Cagayan Valley nang kanilang itala ang 25-15, 25-20, 25-16 panalo laban sa PLDT Home Telpad  upang mamuro sa muling pakikipagharap sa Army para sa women’s title sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa The Arena sa San Juan kahapon.

Tulad ng kanilang panalo sa Turbo Boosters noong Oct. 12, inatake ng Rising Suns sa net at floor defense ang kalaban upang tapusin ang laro sa loob ng 72 minuto tungo sa kanilang ikatlong panalo sa  5-games.

Ang panalong ito ang naglapit sa Cagayan sa ikalawang finals berth sa season-ending confe-rence ng ligang suportado ng Shakey’s.

Ang huling asignatura ng Rising Suns sa eliminations ay kontra sa wala pang panalong Meralco sa Huwebes.

Nalaglag naman ang PLDT Home Telpad sa 2-3 kartada at kailangang manalo sa finalist nang Army (5-0) bukas at umasang manalo ang Meralco upang makapuwersa ng playoff para sa huling finals berth.

Nauna rito, nakarekober ang Far Eastern University sa fifth set  upang tuluyang patalsikin sa kontensiyon ang Rizal Technological U sa pamamagitan ng 25-18, 25-15, 23-25, 20-25, 15-9 panalo para sa 2-4 karta sa men’s division.

Maaga sanang natapos ng FEU Tams ang laban ngunit nakahirit pa ang RTU gayunpaman ay kumulapso rin sila dakong huli sanhi ng kanilang 1-4 record na tuluyang bumura ng kanilang pag-asang lumaban sa finals.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

FAR EASTERN UNIVERSITY

HOME TELPAD

MERALCO

RISING SUNS

RIZAL TECHNOLOGICAL U

SAN JUAN

SHAKEY

THIRD CONFERENCE

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with