NU at FEU players magsasama sa MJM Builders sa D-League

MANILA, Philippines - Mula sa kanilang pa­giging maigting na mag­karibal ay magiging mag­kasangga naman ang ilang players ng National University at Far Eastern University para sa dara­ting na PBA D-League As­pirant’s Cup.

Makakasama nina NU Bulldogs Gelo Aloli­no, Glenn Khobuntin at Tristan Perez sa MJM Buil­ders ang mga FEU Ta­maraws na sina Mythical Five awardee Mac Be­lo, Mike Tolomia, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Ron Dennison, Anthony Hargrove, Russel Escoto at Achie Iñigo.

Magsisimula ang 2014 PBA D-League Aspirant’s Cup bukas.

Sina Alolino, Khobuntin at Perez ang naging san­data ng Bulldogs sa pag­giba sa Tamaraws sa na­karaang best-of-three cham­pionship series ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

Ang FEU ang school tie-up ng MJM Builders.

Sina dating Tamaraw Gryann Mendoza at Uni­ver­sity of the East Red Warrior Dan Alberto ay na­sa line-up din ng MJM Builders na gagabayan ni FEU head coach Nash Ra­­cela.

 

Show comments