Azkals kontra Nepal sa Oct. 31

MANILA, Philippines - Babanderahan nina Phil at James Younghusband ang Philippine Azkals sa pagsagupa sa Nepal sa isang international friendly sa Oktubre 31 sa Doha, Qatar.

Makakasama ng mag­kapatid na Younghusband sina Anton del Rosario ng Loyola Meralco Sparks, Juani Guirado at Paul Mul­ders ng Ceres La Salle at Chris Greatwich ng Ka­ya mula sa United Football League.

Inilampa­so ng Azkals ang Nepa­lese, 3-0, sa Doha no­ong Ab­ril.

Magbabalik sa line-up si Mark Hartmann, sumipa ng apat na goals sa 5-0 pagdomina ng Az­kals sa Pa­pua New Gui­nea, bukod pa kina Amani Agui­naldo, Misagh Ba­ha­­doran, Dai­suke Sato at Patrick Deyto ng Global.

Ang iba pang bumu­buo sa koponan ay sina Jeff Cristiaens, Manny Ott at Patrick Reichelt ng Ceres, Simon Greatwich ng Loyola Meralco, Kenshiro Daniels ng Kaya, Si­mone Rota ng Stalions, Fil-Spanish keeper Tomas Trigo ng Team Soccerro, Fil-Swiss Martin Steuble ng Sporting Kansas at ve­teran Jerry Lucena ng Esbjerg.

Show comments