Boston nalo sa Brooklyn sa experimental 44-minute game

NEW YORK – Nilingon ni Jared Sullinger ang game clock at ang akala niya ay mali ito. Wala nang isang minuto ang oras sa first quarter, mainit pa rin siya sa laro.

May dahilan kung bakit hindi siya inilalabas sa laro.

Sa experimental 44-minute preseason game, nagtala si Sullinger ng 21 points at 19 rebounds para tulungan ang Boston Celtics na igupo ang Brooklyn Nets, 95-90 nitong Linggo.

“I’m so used to seeing 12 (minutes) and I looked up and I saw 5-something on the clock. I’m like, man, normally I come out at the 7-minute mark,’’ sabi ni Sullinger. “They said, ‘No, it’s an 11-minute (quarter).’ So that explains everything.’’

Nagdagdag si Jeff Green ng 14 points para sa Boston (4-3) na hindi naapektuhan ng paglalaro ng mas maiksi ng 4 minuto  kumpara sa normal na NBA game.

Show comments