Anthony para kay Bynum

BOSTON – Dinala ng Boston Celtics si center Joel Anthony sa Detroit Pistons kapalit ni guard Will Bynum.

Nagtala si Bynum ng mga averages na 8.7 points at 3.9 assists sa 56 games sa nakaraang season, ang kan­yang pang-pito sa NBA.

Kumolekta naman si Anthony ng mga averages na 2.3 points at 3 rebounds sa kanyang pitong taon sa NBA.

Anim na taon siyang naglaro para sa Miami Heat ba­go siya ibinigay sa Celtics noong Enero.

Show comments