Pacquiao ipaparada ng Kia ngayon; Ginebra sasagupa sa Talk ‘N Text

MANILA, Philippines – Malalaman ngayon kung kaya ni Filipino bo­xing superstar Manny Pacquiao na sumabak sa hard­court mula sa boxing ring.

Pamumunuan ni Pac­quiao ang kanyang Kia Mo­tors sa pagharap sa Blackwater ngayong alas-3 ng hapon sa pagsisimula ng 2014 PBA Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa ikalawang laro sa alas-5:15 ay magtatapat ang Barangay Ginebra at ang Talk ‘N Text.

Ang 5-foot-6 na si Pac­quiao ang playing coach ng So­rentos at inaasahang maglalaro ng ilang minuto para sa kanyang debut game sa pro league.

Kasalukuyang pi­nag­hahandaan ni Pacquiao ang kanyang pagdedepensa sa suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown laban kay American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Matapos ang kanilang laro ng Elite ay kaagad na babalik si Pacquiao sa Ge­neral Santos City para ipagpatuloy ang kanilang ensayo ni chief trainer Fred­die Roach.

Si assistant coach Glenn Capacio ang maka­ka­tulong sa bench ng Sarangani Congressman.

Ipaparada ng Sorentos sina dating PBA top draft pick and Rookie of the Year Rich Alvarez, Hans Thiele, LA Revilla, Ri­chard Alonzo, Rudy Lingganay, Reil Cervantes at Michael Burtscher.

Sinabi naman ni Black­water mentor Leo Isa­ac na ga­gamitin niya ang kanyang natutuhang ‘ne­ver-say-die’ spirit kay Ro­­bert Jaworski, Sr.

Tinalo ng Elite ang So­rentos, 88-77, sa kanilang tune-up game. (RC)

Show comments