Rubio nawalan ng tsansa

CARSON, Calif. – Na­bigo si Marco Antonio Rubio na makapasa sa weigh-in para sa kanilang middleweight title fight ni Gennady Golovkin.

Dahil dito ay nawala kay Rubio (59-6-1, 51 KOs) ang kanyang WBC in­te­rim belt at ang tsansang aga­wan ng Interna­tio­nal IBO at WBA titles si Go­lov­kin.

Tumimbang si Rubio ng bigat na 161.8 pounds na sobra sa 160-pound middleweight limit.

Mas magaang na 159 pounds naman ang isinu­mi­te ni Golovkin (30-0-0, 27 KOs).

Kung tatalunin niya si Rubio ay makakamit niya ang nabakanteng interim belt at kung matatalo naman siya ay iiwanan niya ang mga hawak na world titles.

Napagkasunduan din nina Golovkin at Rubio na babawasan ng $100,000 ang kanilang premyo ka­pag ang isa sa kanila ay bu­magsak sa weigh-in.

Nangangahulugan na ang dating tatanggaping $450,000 ni Rubio ay magiging $350,000.

Lolobo naman sa $900,000 ang magiging premyo ni Golovkin.

Show comments