^

PM Sports

Seryoso ang SBP sa pagho-host ng 2019 FIBA World Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit na malamang abutin ng P1.5 bilyon ang pagtatanghal ng 2019 FIBA World Cup, seryoso ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mag-bid para sa hosting ng naturang event.

Ayon kay SBP executive director for external affairs Butch Antonio, kayang gawin ito sa tingin ng asosasyon  kung magtutulungan ang public at private sectors  para maging matagumpay ang hosting.

Dumalo kamakailan sina  SBP executive director Sonny Barrios, Antonio at logistics director Andrew Teh sa two-day seminar sa Madrid kung saan tinalakay ni FIBA director of events Predrag Bogosavljev, isang Serbian, ang pre-qualifying conditions para mag-bid.

Sa ngayon, tanging ang Philippines at Brazil ang nagkumpirma ng intensiyong mag-host.  Ngunit sa Madrid, may mga kinatawan ang ibang bansa sa seminar kabilang ang China, Germany, France, Russia at Lithuania.

Ang deadline para sa mga bidders ng pagpa-file ng applications ay sa katapusan ng buwang ito at sa susunod na buwan ay ihahayag ng FIBA ang listahan ng mga kandidatong bansa.

Magkakaroon ng workshop para sa mga bidders sa Geneva sa December at bibisitahin ng mga FIBA officials ang mga bidding countries para inspeksiyunin ang mga pasilidad sa January at February ng susunod na taon.

Ang pagdedesisyon kung sino ang magiging host ng  2019 event ay gagawin sa Central Board meeting sa June o July kung saan isa si  SBP president Manny V. Pangilinan sa 26 members.

Para ipormalisa ang bid, kailangang magbayad ng aplikanteng bansa ng application fee na 50,000 Euros or P2.9 million sa FIBA.  Ang mapipiling host nation ay magbabayad din ng rights fee na 8 million Euros o P460 million sa FIBA.  Hindi kasama ang mga fee na ito sa P1.5 billion  budget.

Ang Philippines ang unang nagsabi sa FIBA noong July ng interes sa pagho-host. (QH)

 

ANDREW TEH

ANG PHILIPPINES

BUTCH ANTONIO

CENTRAL BOARD

FIBA

MANNY V

PARA

PREDRAG BOGOSAVLJEV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with