ONTARIO, Calif. – Umiskor si Stephen Curry ng 12 sa kanyang 25 points sa unang 2 1/2 minuto para tulungan ang Golden State Warriors sa 116-75 paglampaso sa Los Angeles Lakers sa kanilang preseason game.
Nagdagdag si Klay Thompson ng16 points kasunod ang 14 ni David Lee para sa Warriors, sinimulan ang laro sa pamamagitan ng 24-5 run.
May suot si Andre Iguodala, nabalian ng ilong sa kanilang unang laro ng Lakers noong Huwebes, na facemask at tumapos na may 4 points at 8 assists sa loob ng 21 minuto.
Iniwanan ng Warriors ang Lakers sa iskoran ng 39 points sa loob ng 24 minutong nakasalang si Kobe Bryant.
Nagtala si Bryant ng 3-for-13 shooting, habang tumipa sina reserves Robert Sacre at Wayne Ellington ng tig-12 points.
Hindi naglaro sina Jeremy Lin (sprained left ankle), Jordan Clarkson (sprained calf) at Xavier Henry (back spasms) para sa Lakers.