^

PM Sports

Azkals sasagupain ang Papua New Guinea ngayon

Pang-masa

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Stadium)

8 p.m. Philippines

vs Papua New Guinea

 

MANILA, Philippines - Sasagupain ng Philippine Azkals ang first-time opponent na Papua New Guinea Kapuls ngayong ga­bi sa Ri­zal Memorial Foot­ball Sta­dium.

Hangad ng Azkals na ma­paganda ang kanilang kondisyon sa laban nila ng Papua New Guinea para sa paghahanda sa AFF Su­­zuki Cup na nakatakda sa susunod na buwan.

Ang friendly match ay nakatakda sa alas-8 ng gabi at hangad ng Azkals na makabangon mula sa ka­biguan sa Myanmar sa Fi­nals ng nakaraang Phi­lip­pine Peace Cup.

“It hasn’t been the ideal preparation for us, but we have to make the most out of our time together,” pahayag ni Azkals’ head coach Thomas Dooley. “We need games because trai­ning are not enough.”

Lalabanan sana ng Azkals ang Malaysia sa isang friendly game ngunit hindi ito na­tuloy.

Napapayag ni Dooley si Papua New Guinea mentor Wynton Rufer na isa niyang kapwa Bundesliga player para labanan ang mga Pinoy booters.

Nabasura rin ang naunang nakaiskedyul na friend­ly game ng mga Pa­puans sa Timor Leste.

Hahataw ang Suzuki Cup sa Nobyembre 22-28 sa Hanoi, Vietnam at kai­langan ng Azkals na ma­kapag-ensayo bago sumabak sa naturang torneo.

“It’s an important time for us because we are pre­paring for the Suzuki Cup and we want to try to progress,” wika ni Azkals captain Rob Gier. “It’s always nice to get to play at home.”

Si Gier ang tanging  over­seas-based player na sasagupa sa mga Kapuls, naghahanda para sa Paci­fic Games.

Makakasama niya sa ko­ponan sina veteran Chieffy Caligdong, Jeffrey Christiaens, Nick O’ Donnel at dating UAAP standout Paolo Bugas.

“We have to take this match seriously and must be willing to work hard,” sabi ni Dooley.

Mas mababa ang Pa­pua New Guinea ng 70 puwesto sa Azkals, ngunit maganda ang kanilang ipi­nakita noong nakaraang buwan sa una nilang in­ternational match mula sa 1-2 kabiguan sa Suzuki Cup titlist na Singapore.

vuukle comment

AZKALS

CHIEFFY CALIGDONG

JEFFREY CHRISTIAENS

LARO NGAYON

MEMORIAL FOOT

NEW GUINEA

PAPUA NEW GUINEA

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with