MANILA, Philippines – Sinuspindi ang premyadong American swimmer na si Michael Phelps, ang atletang may pinakamaraming medalyang napanalunan sa Olympics, ng anim na buwan ng USA Swimming nitong Lunes dahil sa pagkakaaresto nito kamakailan sanhi ng kanyang pagmamaneho ng lasing.
Hindi rin maaaring kumatawan si Phelps, kababalik lamang sa top-level competition matapos ang two-year retirement, ang Uni-ted States sa 2015 FINA World Swimming Championships sa Russia sa August, ayon sa statement ng USA Swimming.
Ang pag-aresto nitong Martes sa 29-gulang na Baltimore-area native ay ikalawang beses na dahil nahuli na rin itong nagmamaneho ng lasing noong 2004.
Sa kanyang unang kaso, nag-plead siya ng guilty para sa mas mababang kaso at pinarusahan ng 18 months probation.
“Membership in USA Swimming, and particularly at the National Team level, includes a clear obligation to adhere to our Code of Conduct,” sabi ni USA Swimming Executive Director Chuck Wielgus sa statement. “Should an infraction occur, it is our responsibility to take appropriate action based on the individual case. Michael’s conduct was serious and required significant consequences.”
Inaresto si Phelps noong nakaraang linggo dahil sa speeding at pagtawid sa double-lane lines sa loob ng Baltimore tunnel at ayon sa mga pulis, siya ay nakita sa radar na tumatakbo ng 84 miles per hour (135 kph) sa 45-mph (72-kph) zone.
Nagrehistro rin si Phelps ng .14 percent sa Breathalyzer test matapos pahintuin ang kanyang 2014 Land Rover. Ang legal limit ng intoxication sa Maryland ay .08.
Humingi ng paumanhin si Phelps sa pangyayari at sinabi niya noong Linggo na papasok siya ng rehab ng anim na linggo.
Puwede siyang sumama sa mga ensayo ng kanyang member club habang siya ay suspendido at maaari lamang makasali sa US Swimming-sanctioned competitions simula sa March 6, 2015. Wala siyang makukuhang ayuda sa USA Swimming sa loob ng kanyang six-month suspension.