Young ng Lakers nabalian ng litid sa hinlalaki

EL SEGUNDO, Calif. – Tuluyan nang napunit ni Los Angeles Lakers guard Nick Young ang litid sa kanang hinlalaki.

Inihayag ng Lakers na kailangan ni Young ng ope-rasyon na nakatakdang gawin nitong Lunes at hindi sigurado kung gaano ito katagal mawawala.

Nagka-injury siya nang tinangka niyang agawan ng bola si  Kobe Bryant na tinamaan ng kanyang daliri sa braso sa isang practice noong Biyernes.

Si  Young ang  leading scorer ng Lakers noong nakaraang season sa kanyang average na 17.9 points per game kahit madalas ay off the bench siya.

Nakipagkasundo si Young sa four-year, $21.5 million deal para manatili sa Lakers noong July.

 

Show comments