^

PM Sports

Chiefs may twice-to-beat advantage na rin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginawa ni Ralph Salcedo ang game-winning steal at basket sa dying seconds upang itakas ng Arellano ang 78-76 panalo kontra sa San Beda para kunin ang liderato na nagkaloob sa kanila ng twice-to-beat sa Final Four sa pagpapatuloy ng  90th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Tabla sa 76-all sa huling 9.2 segundo ng labanan, naagaw ni Salcedo ang bola kay San Beda rookie Ranbill Tongco tungo sa kanyang pampanalong basket mula sa pasa ni Jiovani Jalalon.

Naitala ng Arellano Chiefs ang kanilang kauna-unahang Final Four appearance sapul nang sumali sila sa liga, limang season na ang nakakaraan.

Inagaw ng Arellano ang No. 1 position sa four-peat champion San Beda na sigurado na rin ng twice-to-beat advantage ngunit pormal na mapapasakamay ng Arellano ang No.1 position patungo sa susunod na round kung tatalunin nila ang sibak nang Lyceum sa Oct. 8.

Nagpakawala naman ang Perpetual Help ng eksplosibong fourth quarter run upang igupo ang upset-conscious na San Sebastian, 92-76 na naglapit sa kanila sa Final Four sa unang laro.

Nagtulung-tulong sina Earl Scottie Thompson, Juneric Baloria at Harold Arboleda sa fourth quarter breakaway upang ipagkaloob sa Altas ang kanilang  ika-12th panalo kontra sa 6-talo na sumiguro sa kanila ng playoff para sa Final Four berth.

Muntik na namang maka-triple-double si Thompson sa kanyang 29 points, nine rebounds at eight assists habang si Baloria at Arboleda, na inaasahang makakakuha ng kontrata sa NLEX sa PBA ay may 24 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

JIOVANI JALALON

JUNERIC BALORIA

PERPETUAL HELP

RALPH SALCEDO

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with