^

PM Sports

Nabuhayan ang Phil Team

Maribeth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea – Nagkaroon ng buhay ang kampanya ng Team Philippines sa kasaluku-yang 17th Asian Games.

Nakatiyak ng medalya ang boksingerong si Charly Suarez para tabunan ang lalong pagdausdos ng Gilas Pilipinas.

Pinulbos sa suntok ni Suarez si Ammar Jabbar Hasan ng Iraq sa kabuuan ng tatlong rounds na bakbakan tungo sa kanyang unanimous victory sa quarterfinals sa lightweight division matapos umiskor ng 29-27 sa lahat ng tatlong judges.

Si Suarez ang unang nakapasok sa semifinals sa mga Pinoy boxers at  magtatangka siyang umabante sa finals laban kay Obada Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan sa Huwebes.

Kinumpleto ni  Wilfredo Lopez ang dominasyon ng Pilipinas laban sa mga Iraqi boxers nang kunin ang isa pang unanimous decision win kay Waheed Abdulridha sa round-of-16 match sa middleweight division matapos umiskor ng 29-28 sa lahat ng 3-judges.

Babalik si Lopez sa aksyon ngayon at kaila-ngang manalo kay Shinebayar Maritandakh ng Mongolia para makapasok sa semifinals at makasiguro rin ng bronze.

Ang pagpapasikat sa ring ay hindi natapatan sa basketball court nang lasapin ng Gilas ang 78-71 pagkatalo sa batang koponan ng China sa consolation round.

Hindi na nakapaglaro sina Jimmy Alapag at Marc Pingris para sa koponan  dahil sa injury na nakaapek-to sa kanilang laro.

Sa pagkatalong ito, ang Gilas ay palabanan na lamang sa ikapitong puwesto kontra sa Mongolia bukas.

Sa kabila ng kanilang iniskor na tatlong runs sa fifth inning, nabigo pa ring maitakas ng Blu Girls ang panalo nang yumukod sa Chinese Taipei, 5-4 sa softball competition.

Ito ang ikatlong kamalasan ng Blu Girls sa apat na laro pero may pag-asa pa rin ang koponan  sa bronze medal.

Sa soft tennis, bigo rin si Jhomar Arcila kay Yusheng Zhang ng China, 4-1, habang nadiskaril si Noelle Conchita Zoleta kay Phonesamal Champamanivong  ng Laos, 4-0 sa men’s singles.

Sa pagbubukas ng athletics competition kagabi, nauwi sa bangungot ang posibleng kahuli-hulihang Asian Games ni Marestella Torres nang magtala siya ng tatlong sunod na foul attempts sa women’s long jump.

Umabot sa 12 long jumpers ang sumali sa kompetisyon at bukod-tangi ang 33-anyos na dating SEA Games long jump queen na hindi nakapagtala ng anumang marka sa kompetisyon.

Nananatiling mailap ang gold medal sa Phl team na mayroon pa lamang 2-silver at 2-bronze medals na iuuwi.

AMMAR JABBAR HASAN

ASIAN GAMES

BLU GIRLS

CHARLY SUAREZ

CHINESE TAIPEI

GILAS PILIPINAS

JHOMAR ARCILA

JIMMY ALAPAG

MARC PINGRIS

MARESTELLA TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with