MANILA, Philippines – Kung ang boxing experience ang pag-uusapan ay lamang na lamang si Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri.
Ngunit hindi dapat magkumpiyansa ang Filipino world eight-division champion sa American challenger sa gabi ng kanilang banggaan sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“I’ve always leaned towards experience and that’s heavily favored for Pacquiao,” sabi ni Naazim Richardson, ang chief trainer ni boxing Hall of Famer Sugar Shane Mosley, sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio.
“But Chris Algieri, we fought on cards with him, this kids conditioning is freakish and he never says die man, he really, really never says die and that poses a problem with a younger, fresher guy,” dagdag pa nito.
Ipinakita ni Algieri ang kanyang katapangan matapos bumangon mula sa dalawang beses na pagkakabagsak sa first round sa kanilang World Boxing Organization (WBO) light welterweight championship fight ng dating kampeong si Ruslan Provodnikov noong Hunyo.
Sa huli ay isang split decision win ang nakamit ni Algieri para agawin kay Provodnikov, dating na-ging sparmate ni Pacquiao, ang suot nitong WBO light welterweight belt.
Naniniwala naman si Richardson na ang malawak na karanasan ng 35-anyos na si Pacquiao ang magiging sandata nito sa pagharap sa 30-anyos na si Algieri.
“Pacquiao’s experience should take over the fight and then find a way to get past Chris,” wika ni Ri-chardson. (RC)