Rondo nabalian ng daliri

BOSTON – Nagkaroon ng aberya ang rebuilding project ng Boston Celtics nang ope-rahan si four-time All-Star Rajon Rondo nitong Biyernes dahil sa nabaling daliri sa kaliwang kamay.

Ayon sa Celtics, inaasahang mapapahinga ng 6-8 weeks si Rondo matapos mabali ang kanyang daliri nang mahulog sa kanilang bahay at wala nang iba pang detalye na ibinigay ang team.

Si Avery Bradley,  ang four-year veteran  na pu-mirma ng four-year contract noong July para manatili sa Celtics ay inaasahang papalit kay Rondo.

Laging napapag-usapan si Rondo na ite-trade na lalong uminit nang magtapos ang Celtics noong nakaraang season na may pinakamasamang record na 25-57,  ang worst record ng koponan.

 

Show comments