INCHEON, South Korea – Matapos mabokya ng ilang araw, nagkaroon ng produksiyon sa wakas ang Phl Team sa 17th Asian Games kahapon na hatid ni archer Paul Marton Dela Cruz.
Naghatid ng bronze medal si Dela Cruz mula sa men’s compound individual para bigyan ng dahilang ngumiti ang mga Pinoy matapos ang masaklap na kabiguan ng Gilas Pilipinas kontra sa Korea.
Matatag ang pulso ni Dela Cruz sa hamon ni Muhammad Zaki Bin Mahazan ng Malaysia upang angkinin ang 140-139 panalo sa battle-for third place.
Dalawa sana ang bronze medal ng Pilipinas pero bigo sina Dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Ian Chipeco sa Iran, 224-227, sa bronze medal match sa team competition.
Ang bronze ni Dela Cruz ay dagdag sa produksiyon ng wushu mula kina Daniel Parantac at Jean Claude Saclag na nanalo ng silver at Francisco Solis na nagsubi ng bronze.
Patuloy naman ang sakit ng loob na nararanasan ng iba pang manlalaro ng Pilipinas at ang pinakamapait ay ang 97-95 pagkatalo ng naunang inasahan sa ginto na Gilas Pilipinas sa host Korea sa men’s basketball.
Ito ang ikalawang sunod na talosa quarterfinals ng Gilas at ikatlong dikit sa kabuuan na tuluyang nagsara ng pintuan sa pagtapak sa semifinals.
May maliit na tsansa ang pag-abante ng Gilas pero nakadepende rin ito sa ipakikita ng Qatar at Kazakhstan (naglalaro pa as of presstime) na kasama nila sa grupo.
Sinundan naman nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang magandang ipinakikita ng men’s boxing team nang manalo sa pambungad na laro sa women’s flyweight at lightweight divisions.
Tinalo ng world champion na si Gabuco si Lin Yu Ting ng Chinese Taipei, 39-37, 39-37, 38-38, habang si Petecio ay umukit ng 39-37, 39-37, 40-36, tagum-pay kay Gulzhaina Ubbihiyazova ng Kazakhstan.
Maningning rin na binuksan ng Blu Girls ang kanilang kampanya sa women’s softball nang manalo sa preliminary game laban sa host Korea, 3-0.
Sunod na haharapin ng Blu Girls ang Japan nga-yong alas-3:30 ng hapon.
Sa cycling, bigo din ang siklistang si Mark Galedo sa nilahukang 42k Individual Time Trial race nang malagay lamang sa ika-13th puwesto.
Hindi rin napangalagaan ng Fil-Am netters na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang pagiging second seed sa men’s doubles sa tennis nang bumagsak sa eight seeds at home town bets na sina Yongkyu Lim at Hyeon Chung, 0-6, 3-6.
Sa golf, inalat sina Mia Legaspi at Princess Superal na nagtala ng 71 at 72, ayon sa pagkakasunod upang malaglag sa individual ca-tegory at ang kanilang 143 combine para sa 427 total ay sapat para sa fifth place sa team play.
Samantala, hindi na matitinag ang powerhouse China sa unahan matapos kumolekta ng 95 ginto, 53 pilak at 39 tanso habang inungusan na ng host Korea ang Japan sa ikalawang puwesto sa inangkin na 35-41-38 kumpara sa huli na may 30-41-38.
Mula sa 19th place bumaba ang Pilipinas sa ika-22 puwesto.