Roach nanawagan sa HBO at Showtime

MANILA, Philippines - Bukod sa ilang isyu sa hatian sa premyo at pagsai-lalim sa drug at blood testing, ang sigalot sa pagitan ng magkaribal na cable networks na HBO at Showtime ang balakid din para sa pagtatakda ng mega fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Sa panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni chief trainer Freddie Roach na dapat resolbahan ng HBO at ng Showtime ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Kinatigan din ni Roach ang kagustuhan ng World Boxing Council (WBC) na maitakda ang salpukan nina Pacquiao at Mayweather.

“The WBC made the right step towards this fight. It would certainly be a great match,” sabi ni Roach. “But now we need the netwroks, HBO and Showtime, to make an agreement with each other.”

Ang 35-anyos na si Pacquiao ay may exclusive deal sa HBO, samantalang may kontrata naman ang 37-anyos na si Mayweather sa Showtime.

Naniniwala si Roach na sa oras na magkasundo ang HBO at Showtime ay madali nang mapaplantsa ang super fight nina Pacquiao at Mayweather.

“The situation with the networks was the main reason things things were very difficult before they began negotiations, but then everyone agreed to achieve a common goal,” wika ni Roach.

Show comments