^

PM Sports

Posibleng ‘di na talaga matuloy ang Pacquiao-Mayweather fight

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang episode ng Showtime ‘All Access’ series ay nakita si Floyd Mayweather, Jr. na nakaupo sa isang sofa at napapaligiran ng ilang humihithit ng marijuana.

Sa pagtatanong sa kanya ng Nevada State Athletic Commission ay inamin ni Mayweather na ang lahat ng napapanood sa ‘All Access’ series ay pawang scripted.

“It wasn’t real marijuana,” wika ni Mayweather sa mga opisyales  ng NSAC. “It’s all about entertainment…. I don’t want to just sell a fight. I want to sell a lifestyle.”

Ang nasabing pagsisinungaling ni Mayweather ay ikinainis naman ni Manny Pacquiao.

Naniniwala ang Sarangani Congressman na wala talagang plano si Mayweather na labanan siya dahil sa inaalagaan nitong malinis na ring record.

“@FloydMayweather’s testimony to the commission on All Access’ authenticity tells me everything I need to know about his desire to fight me,” wika ng Filipino world eight-division champion sa kanyang official Twitter account na @Manny Pacquiao.

Ang naturang pahayag ng 35-anyos na si Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang inaasahang magiging dahilan para tuluyan nang mabasura ang kanilang ina-abangang super fight ng 37-anyos na si Mayweather (47-0-0, 26 KOs).

Matapos talunin uli si Marcos Maidana sa kanilang rematch kamakailan ay sinabi ni Mayweather na bukas ang kanyang opsyon para labanan si Pacquiao sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum na payag na ang HBO at Showtime networks na magtulungan para sa  Pacquiao-Mayweather fight sa 2015.

 

vuukle comment

ALL ACCESS

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with