^

PM Sports

Saclag kinapos sa wushu gold

Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Naunsiyami ang Pinas sa inaasahang gintong medalya mula sa wushu nang mabigo si Jean Claude Saclag kay Hongxing Kong ng China, 2-0  sa pagtatapos ng sanda competition sa Ganghwa Dolmens gymnasium kahapon.

Ginawa na ni Saclag ang lahat pero lubhang mas mahusay si Kong para makuntento sa silver sa men’s -60kg category.

Ito ang ikalawang pilak na medalya ng Phl Team at ikatlong medalya sa kabuuan na lahat ay naihatid ng wushu delegation.

Si Daniel Parantac ay nakakuha ng silver sa taolo, ang taijiquan-taijijian All Around event habang ang sanda  player sa men’s -56kg. na si Francisco Solis ay naghatid naman ng bronze medal.

Kinapos naman si Divine Wally ng isang panalo para sa medal round sa women’s 52kg. habang si Clemente Tabugara Jr. ay natalo agad sa unang laban.

Si Evita Elise Zamora ay hindi nakalaro dahil sa injury na tinamo habang nagsasanay sa China.

Ang  produksiyon ng wushu team ay mas maganda kumpara sa isang bronze na naabot ni sanda athlete Mark Eddiva sa men’s 65kg, noong 2010 Asiad sa Guangzhou, China.

Ang pinakamagandang pagtatapos pa rin ng bansa sa wushu ay nangyari noong 2006 sa Doha, Qatar dahil kinuha ni Rene Catalan sa men’s -52kg. ang gold, habang si Eduard Folayang ay nag-silver sa 70kg.

Masusuklian ang paghihirap na ginawa ng dalawang silver medalists na sina Saclag at Parantac na tatanggap ng insentibong  P500,000.00 habang si Solis ay mayroong P100,000.00 mula sa pamahalaan base sa Republic Act 9064. (BRM)

ALL AROUND

CLEMENTE TABUGARA JR.

DIVINE WALLY

EDUARD FOLAYANG

FRANCISCO SOLIS

GANGHWA DOLMENS

HONGXING KONG

JEAN CLAUDE SACLAG

MARK EDDIVA

PHL TEAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->