^

PM Sports

8 gold sa boxing? Bakit hindi-- Velasco

Pang-masa

INCHEON, South Korea – Handang kumuha ang mga National boxers ng walong gintong medalya sa kompetisyon na magbubukas sa Miyerkules sa Seonhak gymnasium.

“Kung kaya ang walo, kukunin namin lahat,” wika ni coach Roel Velasco.

May 13 ginto ang nakataya sa men’s at women’s competition na magsisimula sa Miyerkules at matatapos sa Oktubre 3  at mataas ang kumpiyansa ni Velasco dahil hindi pa nabibigo ang boxing team sa paghatid ng medalya sa Asian Games.

Noong 2010 sa Guangzhou, China ay nag-uwi ang koponan ng tig-isang ginto, pilak at bronze medals na naipagkaloob nina flyweight Rey Saludar, woman flyweight Annie Albania at lightweight Victor Saludar.

Ang mga ito ay wala sa delegasyon pero hindi paaawat ang mga napili para balikatin ang laban ng 150-national athletes.

Ang mga ninombrahan ng ABAP para lumaban ay sina Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez, Charly Sua-rez, Galvan, Ian Clark  Bautista at Wilfredo Lopez sa kalalakihan at sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio sa kababaihan.

Ang nakatatandang kapatid ni Roel na si Nolito bukod pa kay Romeo Brin ang iba pang coaches sa koponan ay patuloy ang pag-ensayo para hindi mawala ang magandang kondisyon ng mga panlaban para sa medalya. Bago tumulak pa-Incheon, nagsanay ng 2-weeks ang mga boxers sa Australia. (BRM)

ANNIE ALBANIA

ASIAN GAMES

CHARLY SUA

IAN CLARK

JOSIE GABUCO

MARIO FERNANDEZ

MARK ANTHONY BARRIGA

MIYERKULES

NESTHY PETECIO

REY SALUDAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with