Nagkaubusan ng ticket sa basketball games

INCHEON, South Korea – Naubusan ng tiket ang mga Philippine officials matapos ihayag na wala nang natira para sa semifinal at final mat-ches ng basketball games dalawang araw bago ang opening ceremonies na idaraos ngayon para sa 17th Asian Games.

“We have been informed the tickets for the semifinals and finals are already sold out, and it really worries us because we don’t even have any tickets to give officials of the Samahang Basketbol ng Pilipinas,” sabi ni Phi-lippine secretariat officer Eleanor Navarro.

Makikita sa aksyon ang Gilas Pilipinas sa Setyembre 23 matapos ang qualifying round.

Para ipakita ang solidong suporta ng mga Koreans para sa kanilang mga players, ang mga complimentary tickets ay inilaan para sa mga locals habang ilan lamang ang ibebenta sa mga foreign teams.

Show comments