MANILA, Philippines - Inangkin ng San Beda Red Lions ang unang upuan sa 90th NCAA men’s basketball Final Four kahapon sa 76-60 dominasyon sa Lyceum Pirates na ginawa sa The Arena sa San Juan City.
Si Arthur dela Cruz ay mayroong 18 puntos, pitong rebounds at apat na assists habang si Anthony Semerad ay may 13 puntos para pangunahan ang four-time defending champion Lions sa kanilang ika-13 panalo matapos ang 15 laro.
Ito na ang ika-siyam na sunod na pagkaka-taon na nasa semifinals ang San Beda pero hindi gaanong masaya si coach Boyet Fernandez.
“We were lucky Lyceum played bad,” wika ni Fernandez matapos punahin ang kakulangan ng intensidad ng koponan sa first half.
Lumayo pa ang Arellano Chiefs sa mga naghahabol para sa mahalagang ikalawang puwesto sa 105-88 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals.
Ito ang ika-11 panalo laban sa apat na talo ng Chiefs at si Prince Cape-ral ay mayroong 18 puntos at 5 rebounds para pamunuan ang koponan.
Pumasok sa laro mula sa 73-44 demolisyon sa karibal na Letran Knights, hindi agad nakalayo ang Lions dahil sa pisikal na first half para makaangat lamang ng pito, 35-28.
Ang Pirates center na si Joseph Gabayni ay may 14 puntos sa first half dahil si Ola Adeogun ay nawala sa focus bunga ng pisikal na paglalaro ng Pirates. (AT)
San Beda 76- Dela Cruz 18, A. Semerad 13, Amer 9, Adeogun 9, Mendoza 8, Pascual 7, Tongco 5, Koga 4, Sara 2, D. Semerad 1, Mocon 0
Lyceum 60- Gabayni 22, Baltazar 8, Taladua 7, Zamora 6, Mbida 5, Malabanan 5, Elmerjab 3, Bulawan 2, Maconocido 2, Pamulaklakin 0, Soliman 0, Lesmoras 0
Quarterscores: 19-14; 35-28; 57-42; 76-60
Arellano U 105- Caperal 18, Enriquez 12, Nicholls 11, Holts 11, Agovida 10, Hernandez 8, Jalalon 7, Ciriacruz 6, Palma 6, Pinto 0, Gumaru 4, Bangga 4, Cadavis 2, Ortega 0
EAC 88- Tayongtong 25, Serrano 15, Jamon 12, General 9, Onwubere 8, Saludo 7, Mejos 6, Quilanita 4, Pascual 2, Santos 0, Arquero 0
Quarterscores: 24-13; 55-34; 85-57; 105-88